Nag-post ang host/actress na si Anne Curtis ng kanyang hot na hot look with pulang lipstick at outfit of the day kamakailan.

Kulang na lang toga and cap.

Anne Curtis

Premiere night na pala ng kanyang movie na “Just A Stranger”.

Kaya pala ganoon ang kanyang caption ay dahil napagtapos niya na ng pag-aaral ang isa sa mga scholar mula sa kanyang project charity sa Dream Machine na si Sareena Calonzo. 

Masaya at proud si Anne kay Sareena na ngayon ay nagtatrabaho na sa kabila ng sitwasyon nito bilang deaf and mute.

Labis nga ang pasasalamat ni Sareena kay Anne dahil malaking bagay ang pagtulong nito sa kanya at patuloy rin itong mas nagkakaroon ng motivation dahil sa kanyang idolo na mismong tumutulong sa kanya.Nagpasalamat din ang aktres sa mga kompanya na tumatanggap sa mga katulad ni Sareena sa kabila ng kundisyon na mayroon ito.

Maraming fan ang mas bumilib o humanga sa aktres nang mapag-alaman ang scholarship o oportunidad na ibinibigay nito sa mga nangangailangan.Makikita rin sa opisyal na Instagram account ng Dream Machine na mahal na mahal ng mga ito ang aktres dahil sa ‘di mapantayang kabutihang ibinibigay nito.

Celebalita

View all posts

Add comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *